Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Purihin Natin Siya!

Tuwing 3:16 ng hapon, tumitigil si Shelley sa anumang ginagawa niya para magpuri at magpasalamat sa Dios. Sa pagkakataong iyon, inaalala ni Shelley ang kabutihan ng Dios. Mahalaga para kay Shelley ang itinakda niyang oras na iyon para sandaling manalangin. Nakakatulong ito upang lalo pa siyang mapalapit sa Panginoon.

Nagsilbi naman itong inspirasyon sa akin. Nagtakda rin ako ng oras…

Kagalakan

Tuwing hapon, patalon-talon at umiindak na bumababa sa kanilang school bus ang labing-apat na taong gulang na si CJ. Nagsasayaw siya dahil masaya siya at gusto niya ring pasayahin ang mga tao. Isang araw, may dalawang tagakolekta ng basura ang nakisayaw kay CJ. Ipinakita nilang tatlo ang lubos na kagalakan at kung paanong nakakaimpluwensiya sa iba ang kanilang kagalakan.

Mababasa naman…

Matibay Na Pananampalataya

Mahigit 600 taon nang nakatayo ang punong Holy Oak sa tabi ng Basking Ridge Presbyterian Church sa New Jersey bago ito kinailangang tanggalin. Noong hindi pa ito ganoon katanda, mahahaba at malalapad ang mga sanga nito. Kapansin-pansin ang hampas ng malamig na simoy ng hangin sa mga dahon at bunga nito. Pero makikita ang tunay na kagandahan ng punong ito…

Walang Hanggang Pag-ibig

Ilang taon na ang nakakalipas, binigyan ako ng 4 na taong gulang kong anak ng puso na gawa sa kahoy. Nakasulat sa gitna nito ang salitang ‘forever’. Sinabi sa akin ng anak ko, “Mommy, forever ko po kayong mamahalin.” Nagpasalamat ako at niyakap ko siya. Sinabi ko sa kanya, “Labis din kitang minamahal, anak.”

Patuloy pa rin na nagsisilbing paalala…

Lumikha Ng Buwan

Si Neil Armstrong ang kauna-unahang nakaapak sa buwan. Sinabi niya na malaking pangyayari ito para sa sangkatauhan. Pagkatapos ng makasaysayang kaganapang iyon, may ilan ding nakarating sa buwan at isa na rito si Gene Cernan na commander ng Apollo mission. Sinabi niya na masasabi talaga na hindi aksidente ang pagkakaroon ng mundo dahil napakaganda ng pagkakalikha rito. Kinilala ng mga…